Panahon

BABALA: Ang mga susunod na paragraph ay maaaring magpainip sa inyo.. read at your own risk.

Nagtataka ako sa sobrang bilis ng panahon. Kaya sa post kong ito babalikan ko ang mga naaalala ko sa nagdaang panahon sa aking buhay.

Parang kailan lng nung elementary ako na tumutulo pa ang sipon at iyakin,  mga kaibigan na hindi ko na nakita ulit pagkatapos gumraduate ng elementary. Mga problema sa pamilya na nag iba ng prinsipyo ko sa buhay kaya di ka na magtataka kung bakit ganito ako ngayun.

Naging highschool student ako na medyo kabado pa at inaakalang napakahirap ng highschool(dahil din sa mga sinasabi ng teacher ko sa elementary).Nakilala din ako sa klase namin dahil sinasayaw ko sa harap yung “Ang Tatlong Bear“,sikat kase nung ang FullHouse at nagkataon Jessie(Song Hye Kyo)ang nickname ko.Naadik ako sa mga OL(Online) games noon kaya mula 17th place naging 2nd ako second to the last.

Lumipas ang pagiging first year ko at lumipat ng school dahil sa financial problem. Medyo nahirapan dahil ibang school=bagong kaklase, kaya hiyang-hiya ako. Naging kilala din ako dahil sa pagiging bulol ko pag nagpapakilala sa harap ng klase. Nagtataka yung iba kong classmate kung bakit kilala ko sila,inisip pa nila na psychic ako, hindi nila alam na pinsan ako ng isa nilang kaklase nung elementary at madalas ikwento ng pinsan ko ang klasmeyt niya nung elementary. Masaya ako dahil sa mga naging kaibigan ko at mas komportable ako sa school na yun. Nakilala ko din ang first love ko, napakasarap umibig noon pede nang tawaging “puppy love”, pero sa kasawiang palad hindi naging kame. Buong school year ko pinagluluksa ang nawasak kong puso(corny).

Naging 3rd year na ako, at umaasang ito ang pinakamasayang year ng highschool, dahil sinasabi ng iba na ang 3rd year ang pinakamasayang part ng highschool. Mahal ko parin noon ang first love ko, umaasa ako sa wala. Parang pag mas pinaglalaban ko ang nararamdaman ko mas nasasaktan lang. Lumipas din ang panahon na nakapag move-on din ako(Sa wakas!), at nag wowomanize na ulit. Mga bandang 3rd quarter ng pagiging 3rd year HS student ko na Hospital ako. Ang sanhi ng pagka-hospital ko ay impeksyon sa paa. Kaya di ko masiyadong na enjoy ang pagiging 3rd year dahil sa buong 3rd quarter ng school year absent ako.

Bakasyon after ng pagiging 3rd year HS nagkaroon ako ng girlfriend. Naging ayus lang kame noong una pero tanga pa ako noon, di ko alam kung paano maging boyfriend. Kaya nauwi sa todo-todong away at di nag tagal nag break narin pero umabot kame ng 4months(unsure) at 4th year HS na kame nung mag break kame.

4th year HS, after ng breakup namen ng girlfriend ko. Nakipag bonding muna ako sa iba kong klasmeyt na girls, at nahulog ang loob ko sa isang babae(blush), di nagtagal naging kami. Nabuo din ang grupo naming magkakabarkada na Retmu. Madami talagang naging masasayang ala-ala nung 4th year at pag sinabi ko lahat maiinip na kayo(at baka nga walang umabot hanggang dito). Nag graduate na at College life na!

Ngayung college na ako kumuha ako ng Bachelor of Science in Information Technology, siguro di ako yayaman sa course ko. Pero mahal na mahal ko ang mga computers at di ko pag sisisihan ito. At ang masaya pa, kame parin ng girlfriend ko hanggang ngayun. Pero nagkakagulo na dahil sa konting away, more than 1 month na kameng hindi nagkikita but i really do love her.. Life is an endless cycle kaya i need to move forward.

4 Responses to “Panahon”

  1. 3 bear? hhahaha. adikk. di ko alam yun ah :P

    ice nice. nagenoy ako. haha

    goodluck sa blog mo :) )

  2. Ayos.. haha..
    aa Jessie XD..
    Gnun pala ang naging buhay mo.. wahaha..
    Wag mo pababayaan si Ate Kat lab na lab ko yon :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.